top of page

Music

Nagmamahal ( Cebuana Lhuillier Foundation)
Darating Kayo (Bamboo)
Stronger Together ( Martin Nievera)
Share the Love ( Kristel Fulgar, CJ Navato and Young JV)
Magkaugnay ( Ella Nympha)
Kung Makasama Tayo ( Eric Santos and Yeng Constantino)
Handog na Liwanag ( Sunlife)
Alay na Buhay ( Lenie Robredo)
Change the World Together (Sarah and Matteo Guidicelli)
A THOUSAND FORESTS (MOVIE) COMPOSTIONS
BANGON
 

Composition and Lyrics by Jenie Chan
Arrangement by Frenyx Tarongoy
Interpreted by Jeffrey Hidalgo and Santino Juan Santiago

Sa isang iglap nagbago ang lahat
Lahat ng pinagpaguran na balewala
Ang pinagpagalan at pinaghandaan
Parang bulang naglaho’t nawala
Masakit na biro ng tadhana
Pagsubok sa katatagan
Ayoko na, ‘di ko ‘to kaya!
Titigilan bang umasa 
O wala na bang pag-asa?
At ang sabi sa sarili, kumapit ka, 
Kaya pa…
Bangon! ‘Wag kang papatalo at susuko
Bangon! Laban lang, harapin lahat ng hamon
Ika’y matibay sa laban ng buhay
Bangon! Ikaw ay kampeon
Bangon! ‘Di magpapatalo at susuko
Bangon! Laban lang, harapin lahat ng hamon
Ako’y matibay sa laban ng buhay
Bangon! Ako ay kampeon!

PERFECT

Composition and Lyrics by Jenie Chan
Arrangement by Frenyx Tarongoy
Interpreted by Yna Cajipe, Julia Margarita Heredia, and Hidle Lyn

Tuwing humaharap sa salamin 
Tanong ko sa ‘king sarili 
Ano ba ang sukatan 
Ng halaga’t kagandahan?
Nagkukubli sa mga tawa at ngiti
Ako ba ay sapat, karapat-dapat?
Sa pagharap ko sa iba
‘Di ko alam kung ipapakita 
Totoong ako sa kanila
Tanggap kaya nila 
O magpapanggap upang maging sapat? 
At nang sinabi ‘to nagbago ang lahat  

Chorus

Ikaw ay perfect, and you’re worth it
‘Di kailangang mangamba
Ikaw ay perfect, and you’re worth it
Ano man ang sabihin nila 
Lahat ng likha’y maganda
Lahat ng likha’y mahalaga 
Lahat ay perfect, lahat ay perfect sa Kanya

Ako ay perfect, and I’m worth it 
‘Di kailangang mangamba
Ako ay perfect, and I’m worth it 
Ano man ang sabihin nila 
Lahat ng likha’y maganda, 
Lahat ng likha’y mahalaga 
Lahat ay perfect, lahat ay perfect sa Kanya

MAGKAUGNAY

Composition and Lyrics by Jenie Chan
Arrangement by Frenyx Tarongoy
Interpreted by Ramjean Entera and Butchoy Ubaldo 

Ang ihip ng hangin at patak ng ulan
Ang agos ng tubig humahampas sa batuhan
Wari mo’y himig pinagsamang mga tinig
Bumubuo ng awit ng pag-ibig.
Panaghoy ng dagat, tunog ng alon    
Nangungusap sa akin, parang may binubulong      
Wari mo’y himig nangugusap na tinig 
ng Maykapal sa ati’y umiibig…

Chorus

Magkaugnay 
Langit, bundok, at gubat
Tao, hayop, at lupa
Iisa ang pinagmulan
Likas nating kayamanan
Pagyayamanin ba o pababayaan?
Tayong lahat ay iisa 
Magbuklod, magkaisa
Iisa lang ang mundo 
Alagaan, mahalin natin ito oooooh 

(Repeat Chorus)

Magkaugnay — Ilog, batis at dagat
Bukal, talon at lawa
Iisang pinagmulan, biyaya sa sanlibutan
Nasa ‘ting kamay ang kanyang… kinabukasan

PAMANANG MUNDO

Music and Lyrics by Jenie Chan
Arrangement by Frenyx Tarongoy
Interpreted by Yna Cajipe, Santino Juan Santiago, Ramjean Entera, James Mavie Estrella, Venice Bismonte, Dennah Bautista, Prince España, Julia Margarita Heredia, Julie Ann Uy, Jullian Indiola, Aljay Camingao

Ito ba ang mundong mamanahin?
Ang kinabukasang handog mo sa akin?
Nasa’n ang paraiso  
Na minsa’y hinandog sa’yo?
Ito ba ang pamanang mundo?
Ito ba ang mundong kaloob sa ‘min
Balot sa usok at maduming hangin? 
Tuyo’t tigang na lupa’t naglalagablab na gubat
Ito ba ang pamanang mundo?

Inabusong karagatan
Kinalbong  kagubatan
Bundok ‘di na luntian 
Pinatag ng kasakiman ng ilan…

Akoy titindig sayo’y haharap 
Ganitong mundo’y ‘di ko tanggap 
‘Di ito aking pangarap  
‘Di ito aking pangarap

Kami’y kikilos, ipaglalaban 
Ang karapatan ng maiiwan 
Sa mundong pinapangarap 
Ang mundo naming pangarap     
Pamana mong mundo’y ‘di tanggap.

LET’S BUILD A FOREST

Composition and Lyrics by Jenie Chan
Arrangement by Frenyx Tarongoy
Interpreted by Yna Cajipe, Santino Juan Santiago, Ramjean Entera, James Mavie Estrella, Venice Bismonte, Dennah Bautista, Prince España, and Dominic Ochoa

Tara Kabataan, may misyon tayo
Sagipin ang kalikasan at ating mundo 
Sama-sama tayong magbabago ng ating bukas 
Nasa kamay natin ‘to! 

Halika na, sumama ‘wag paiiwan 
Maghanda (ka na) at atin nang umpisahan 
Ibalik ang sigla ng kabundukan
Gawing luntian ang kapaligiran!

Chorus

Let’s build a forest 
A thousand forests is a dream 
We can do it, we can make it as a team 
Tara na, tayo’y magkaisa  
Isang puno, ambag ng bawa’t isa    
Tara na, tayo’y magkaisa
Isang puno, ambag ng bawa’t isa
Let’s build a forest 
A thousand forests is a dream (2X)

Dominic’s Rap:

Ang tanong ko sa’yo, may ambag ka ba 
Sa pagligtas ng kalikasan? 
Bakit deadma ka, walang pakialam,
Sa huli ika’y tatamaan 

Kids’ Chant:

Ng epekto! Ng pagbabago!
Ng klima ng mundo!

Dominic:

May batas tayo, tawag ay Arbor Act –
Isang tungkulin dapat sundin ng bawa’t Pilipino 
Kung 12 ka na , kasali ka, magtatanim bawa’t taon ng isang puno 

Arbor naaaa…..
Let’s build a forest 
A thousand forests is a dream 
Let’s build a forest

TAHAN NA

Composition and Lyrics by Jenie Chan
Arrangement by Frenyx Tarongoy
Interpreted by Hidle Lyn Resurrecion

Bakit lumuluha?
Ano ang ‘yong dinaramdam?
Ibulong sa akin ang iyong hinaing
Sabihin sa akin kung anong bumabagabag
Sa kalooban at iyong isip.

‘Wag kang mangangamba
Ako’y karamay mo sa tuwina
Papawiin ang sakit na nadarama
Aking diringgin kung ano’ng bumabagabag
Sa kalooban at iyong isip

Chorus

Tumahan na, ako’y narito, 
‘Di ka iiwan, ‘di pababayaan kailan man
Sa aking puso, narito ka
Pagmamahal sayo’y damhin sa tuwina
Tumahan na… Tahan na…
Mahal kita…

FOREST CHEER

Composition and Lyrics by Jenie Chan
Arrangement by Frenyx Tarongoy
Interpreted by Santino Juan Santiago, Ramjean Entera, James Mavie Estrella, Venice Bismonte, Dennah Bautista

Skye’s Cheer:

Hey, mga beshie, kayo ba ay mulat?
Sa kalagayan ng mundo’t mga nagaganap
Girl, ‘di na biro ang nangyayari
Nagbabago ang  klima, di ‘to matatanggi
(dum dum dum…dum dum dum)

Santino’s Cheer:

Hey, mga bro, napapansin nyo ba?
Kung hindi sobrang init, sobrang lamig na
Dude, ‘di na tama, sobra-sobra ang baha
O ‘di naman kaya, tuyong-tuyo ang lupa
(dum dum dum…dum dum dum)

Chorus 

Sobrang hot, hot, hot!  (Ang init! Ang init!)
Sobrang hot, hot, hot! (Don’t you, don’t you just feel it?) 
Sobrang hot, hot, hot! (‘Di naman ganito dati)
Ang dating mga lugar na malamig, ngayon ay sobrang init! 
Grabeng cold, cold, cold!  (Ang lamig!  Ang ginaw!)
Grabeng cold, cold, cold! (Nanginginig sa sobrang ginaw)
Grabeng cold, cold, cold! (‘Di naman ganito dati)
Dating lugar na mainit, ngayon sobra na ang lamig! 
Hey Kabataan, sino’ng sisisihin? 
Pagbabago ng klima kagagawan ba natin?
Hey ‘wag na tayong magsisihan, magturuan
Let’s just work together, tayo’y magtulungan.

LAKAMBINI NG KALIKASAN

Composition and Lyrics by Jenie Chan
Arrangement by Frenyx Tarongoy
Interpreted by Yna Cajipe

Ikaw ay huwaran, dapat na tularan
Halimbawa ng mabuting kabataan 
Ika’y lakambini na katangi-tangi
Hinahangaan ng lahat minimithi

Chorus

You are beautiful!
You are beautiful!
Namumukod-tanging kagandahan 
You are wonderful!
You are wonderful! 
Isa kang lakambining tutularan 
Isa kang Lakambini… ng Kalikasan (instrumental)

Second Chorus

Isa kang lakambini
Ito ang ‘yong gabi…
Isang lakambining tutularan
Ikaw ang Lakambini ng Kalikasan!

bottom of page